#worksheets, #worksheets for preschool #free worksheets, teach Filipino, Filipino student preschool, stay at home mom, homeschool Philippines, Filipino alphabet, worksheets for preschool, free downloadable download worksheets, Filipino worksheets for preschoolers, alpabetong Filipino,#freeworksheets, Filipino language, Filipino Teachers, worksheets for mom worksheets for Filipino teachers
Filipino and English worksheets and reviewers
for Pre-School and Grade 1 students.
"Improving literacy and numeracy skills of Filipino children."
Pantukoy
Ano ang pantukoy?
Ang pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na article sa wikang Ingles.
Dalawang Uri ng Pantukoy:
1. Pantukoy na Pambalana
Ito ay tumutukoy sa pangngalang pambalana tulad ng "ang" at "ang mga."
Halimbawa: Ang mga prutas na dala ni Lola ay matamis.
2. Pantukoy na Pantangi
Ito ay tumutukoy sa pangngalang pantangi o tiyak na ngalan.
Ito ay ang si,sina,ni nina kay, kina.
Halimbawa:
Si Luis ay nagtatanim ng halaman.
Handa na ang dami nina Jose at Luis para sa Linggo.
Tandaan: Ang "ang," "si," ni" at "kay" ay ang mga pantukoy na ginamit kung ang tinutukoy nito ay pang-isahan.
Ang "ang mga," "sina," nina" at "kina" ay ang mga pantukoy na ginamit kung ang simuno ay pangmaramihan.
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson