#worksheets, #worksheets for preschool #free worksheets, teach Filipino, Filipino student preschool, stay at home mom, homeschool Philippines, Filipino alphabet, worksheets for preschool, free downloadable download worksheets, Filipino worksheets for preschoolers, alpabetong Filipino,#freeworksheets, Filipino language, Filipino Teachers, worksheets for mom worksheets for Filipino teachers
Filipino and English worksheets and reviewers
for Pre-School and Grade 1 students.
"Improving literacy and numeracy skills of Filipino children."
Bahagi ng Pangungusap
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Ito ay may dalawang bahagi – ang simuno o paksa at ang panaguri.
Tandaan ang pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos naman ito sa wastong bantas.
Simuno o Paksa - bahaging pinag–uusapan sa pangungusap
nakikilala ang mga ito sa pamamagitan ng panandang si/sina at ang/ang mga
Halimbawa: ANG MANSANAS ay kulay pula.
Nakasuot ng pulang bestida SI ANNA.
Panaguri - bahaging nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ng
pangungusap
Halimbawa: Ang mansanas AY KULAY PULA.
NAKASUOT NG PULANG BESTIDA si Anna.
Parirala – ang tawag sa lipon ng mga salitang hindi buo ang
diwang ipinahahayag.
Halimbawa: buto ng abokado
lumaki at namunga
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson