#worksheets, #worksheets for preschool #free worksheets, teach Filipino, Filipino student preschool, stay at home mom, homeschool Philippines, Filipino alphabet, worksheets for preschool, free downloadable download worksheets, Filipino worksheets for preschoolers, alpabetong Filipino,#freeworksheets, Filipino language, Filipino Teachers, worksheets for mom worksheets for Filipino teachers
Filipino and English worksheets and reviewers
for Pre-School and Grade 1 students.
"Improving literacy and numeracy skills of Filipino children."
Mga Bantas at Iba Pang Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pangungusap at Talata
Nasimulan na nating pag-aralan ang tungkol sa mga uri ng pangungusap. Nalaman mo na ang pangungusap ay laging nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas. Ang mga karaniwang bantas na ginagamit natin sa pagsulat ay ang mga:
tuldok (.) – ginagamit sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay at pautos.
tandang pananong (?) – ginagamit sa hulihan ng pangungusap na patanong at pakiusap.
tandang padamdam (!) – ginagamit sa hulihan ng pangungusap na padamdam.
kuwit (,) – ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na pangalan sa serye.
Halimbawa:
Ang mga basurang tulad ng plastik, papel, bakal, at bote ay puwede pang pakinabangan.
Talata – ito naman ang tawag sa pinagsama-samang pangungusap na magkakaugnay.
Naglalagay tayo ng kaunting pasok o indention kapag nagsisimula tayong sumulat ng isang talata.
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson