top of page

Pantig

Learn the meaning of  panting, pagpapantig at anyo ng pantig. Get your free  pantig and anyo ng pantig worksheets here.

Ang pantig ay ang bawat pagbuka ng bibig sa pagbikas ng salita.
Halimbawa: i – ni – la – bas Pi – li – pi – nas

May iba’t ibang kombinasyon ng mga pantig at katinig na bumubuo sa mga anyo o pormasyon ng pantig.
Naririto ang mga anyo o pormasyon ng pantig:

P – (patinig)
Halimbawa: i – sa o – ras

PK – (pantig at katinig)
Halimbawa: ak – ti – bo it – log

KP – (katinig at patinig)
Halimbawa: ba – li – ta ka – sa – ma

KPK – (katinig, patinig, at katinig)
Halimbawa: dok – tor pag – ta – ta – nim

Mga pantig na may klaster o kambal – Katinig

PKK – (patinig, katinig, at katinig)
Halimbawa: eks – tra

KKP – (katinig, katinig, at patinig)
Halimbawa: pro – yek – to

KKPK - (katinig, katinig, patinig, at katinig)
Halimbawa: dram trak

KPKK – (katinig, patinig, katinig, at katinig)
Halimbawa: kard nars

KKPKK – (katinig, katinig, patinig, at katinig)
Halimbawa: tsart trans – por – tas – yon

Click here for FREE practice sheets 

Download and Print This Lesson

bottom of page